INALMAHAN NG DAAN-DAANG RESIDENTE NG MULTINATIONAL VILLAGE SA PARANAQUE ANG PAGDAGSA NG KAPULISAN NGAYONG UMAGA SA KANILANG ASSOCIATION OFFICES UPANG ILUKLOK SA PWESTO ANG DATING PANGULO NG ASOSASYON NA SI ARNEL GACUTAN…
PALANSI DIUMANONG PUMASOK NG CLUBHOUSE ANG MGA PULIS DAKONG ALAS SINGKO NG UMAGA NGAYONG ARAW NA ITO…
SINIRA DIN NILA ANG KUWARTO KUNG SAAN NAROROON ANG MGA DOKUMENTO NG ASSOCIATION.
HINDING HINDI NA PAPAYAG ANG MGA HOMEOWNERS NG MULTINATIONAL VILLAGE SA PARANAQUE NA MAKABALIK PA SA KAPANGYARIHAN SI GACUTAN MAKARAANG SA ILALIM NG PAMAMAHALA NITO UMUSBONG ANG MGA ILLEGAL POGOS AT SHABU LABS SA MULTINATIONAL VILLAGE…
AYON SA PANGULO NG MULTINATIONAL VILLAGE ASSOCIATION NA SI JULIO TEMPLONUEVO, MARAMI DIUMANONG KINASANGKUTANG ILLEGAL ACTIVITIES SI GACUTAN NANG SIYA PA ANG PANGULO NG ASSOCIATION..
NOONG 2005, NAPATAWAN DIN NG CONTEMPT NG KONGRESO ITONG SI GACUTAN DAHIL SA NAGLIPANANG SHABU LABORATORIES SA MULTINATIONAL VILLAGE AT SA HINDI NITO PAGPAPALIWANAG SA KAYAMANAN NITO…
NATAPOS NA RIN ANIYA ANG TERM NITO BILANG PANGULO NOON PANG 2019 NGUNIT IGINIGIIT NI GACUTAN NA SIYA AT SAMPU NG MGA KAIBIGAN NITO ANG NANANATILING PINUNO NG ASSOCIATION..
DAHIL DITO NAGLABAS NG KAUTUSAN ANG HUMAN SETTLEMENTS BOARD MAGING ANG COURT OF APPEALS AT SINALPAKAN NG PERPETUAL DISQUALIFICATION TO HOLD OFFICE ITONG SI GACUTAN..
UMAPELA ANG MGA HOMEOWNERS KAY D-I-L-G SECRETARY BENHUR ABALOS NA TULUNGAN SILA LABAN SA PAGGAMIT NG DAHAS AT KARAHASAN NI GACUTAN UPANG ANIYA MAILUKLOK NITO ANG KANYANG SARILI SA PWESTO.
KWESTYUNABLE RIN DIUMANO ANG PAGTANGGAP NI GACUTAN NG 15 MILLION PESOS NA BIGAY DIUMANO NG ISANG MALAKING REAL ESTATE DEVELOPER PARA SA RIGHT OF WAY..
MAY ONGOING CONSTRUCTION DIUMANO ANG REAL ESTATE DEVELOPER NA SI WILLY KENG SA LUGAR NA INAALMAHAN NG MGA HOMEOWNERS…
UMAPELA RIN ANG MGA HOMEOWNERS KAY PRESIDENTIAL ADVISER ON HUMAN SETTLEMENTS ACUSAR NA TULDUKAN NA ANG PAGDURUSA NG MGA HOMEOWNERS SA ILALIM NI GACUTAN…
PATULOY PONG SUSUBAYBAY ANG CURRENTPH SA DEVELOPING STORY NA ITO SA MULTINATIONAL VILLAGE SA PARANAQUE.
SUBSCRIBE TO OUR YOUTUBE CHANNEL!
SUPPORT INDEPENDENT JOURNALISM!
TRUTH MATTERS TO ALL