Newsflash: Kaguluhan sa Multinational Village

Newsflash: Kaguluhan sa Multinational Village


Napagalaman ng Current PH na nagkakagulo ngayong umaga sa Multinational Village sa Barangay San Dionisio, Paranaque City.

Bandang alas 5 ng umaga ay nagsimulang magdatingan ang halos 200 mga pulis at sapilitang buksan ang clubhouse ng Multinational village upang i-impose diumano ang isang order ng DSUD na i re-instate ang dati ng inalis na opisyal ng kanila HOA (homeowners association) at i take over ang kasalukuyang operations ng HOA. Lahat ito ay naganap ng wala ni isa man sa mga kasalukuyang opisyal ng HOA ang naroroon at di sa regular na oras ng operasyon ng HOA ayos sa mga kasalukuyang regulasyon sa pagpapatupad ng ganitong mga order ayon sa legal counsel ng HOA na si Atty Efraim Elgo. Tinatangkang pigilan ng mga residente mismo ang mga pulis at kasalukuyang nagaganap ngayon ang ganitong pagaagawan at kaguluhan. Kasama sa mga nasaktan sa kasalukuyang kagulauhan at mga senior citizens na residente ng villaga na sumugod sa kasagsagan ng malakas ng ulan sa clubhouse upang pigilan ang ginagawa ng mga pulis.

Antabayan nyo po ang iba pang detalye sa susunod na report.

Phot credits: DZRH Live





Source link

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *