Ni: Nino Aclan
LUMUBO ang halagang igugol sa itinayong New Senate Building at malamang na sa 2027 pa ito malilipatan ng mga senador.
Ito ang ibinunyag ni Senador Peter Alan Cayetano, Chairman ng Senate Committee on Accounts sa kanyang isinagawang press conference.
Ayon kay Cayetano hindi nila papayagan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa nais ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na abutin ang kontruksyon ng mahigit sa 48 months.
Iginiit ni Cayetano na hindi makatarungan ang planong ito ng DPWH lalo na’t ilang taon nang nasimulan ang kontruksyon.
Aminado naman si Cayetano na lubhang nakaapekto din sa paglaki ng presyo ng gagastusin sa gusali ay pagbabago-bago ng plano at implation sa nakalipas na dalawang taon.
Ibinunyag pa ni Cayetano ang kawalan ding ng aprubadong Detail Architecural Engineering Design (DAED) ang isa din sa lubhang nakaapekto para sa pagbago-bagong design at natagalan ang kontruksyon gayundin ang karagdagang gastos.
Tinukoy ni Cayetano na hindi nakunsulta kasi ang mga senador sa mga naunang DAED na inilabas dahilan para ito ay muling ulitin at hindi agarang matukoy kung magkano ang gagstusin sa kontruksyon.
Kung susundin ang panukala ng DPWH na bukod sa 2027 pa ang tapos ng kontruskyon ay aabot din sa 33 bilyong piso ang kabuuang gagastusin .
Tinukoy ni Cayetano na kaloob ng 33 bilyong piso ay ang presyo ng lupa, ng gusali at gayundin ng mga furnitures.
Tiniyak naman ni Cayetano na maigi pa ding pinag-aaralan ng kanyang grupo kung paano makakapagtayo ng magandang building na mayroon din namang katipiran.
Magugunitang sa orihinal na presyong nakalaan sa New Senate Building ay nasa 8.9 bilyong piso lamang na napunta sa 27 bilyong piso at sa kasalukuyan ay nasa 33 bilyong piso na.
Pagtitiyak naman ni Cayetano na masusing pinag-aaralan at tututukan ng kanyang grupo ang kontruksyon.
Bukod pa sa pagsisiguro na hindi na dadaan pa sa mga layering ang anumang konstruksyon ng gusali.
Tumanggi naman si Cayetano na tukuyin kung mayroong anomalya sa pagtatayo ng naturang gusali subalit mayroong presumption of irregularities.