Ni: Nino Aclan
HANGGANG sa kasalukuyan ay patuloy ang ginagawang monitoring ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa sitwasyon ng nasa 150,000 pinoys sa Taiwan dahil sa paghagupit ng bagyong krathon.
Sa pahayag ng MECO bagamat may mga natatanggap itong report ng panic buying ng mga Taiwanese citizens dahil sa sama ng panahon sa mga susunod na panahon ay wala namang naitalang untoward incidents sa kababayan natin o sa kahit sinong meco personnel.
Inaabisuhan na din ng MECO ang Filipino community organizations na makipag coordinate sa pinaka mamalalapit na MECO offices para sa anumang pangangailangan.
Pinaalalahanan din ng MECO ang lahat na sumunod sa mga advisories ng Taiwanese authorities para sa kanilang kaligtasan ngayong panahon ng bagyo.