Ni: Nino Aclan
MAGPAPALKALAT National Capital Region Police OFFICE (NCRPO) sa pamumuno ni Acting Regional Director Pol. Brig. Gen. Anthony Aberin na mahigit walong libong kapulisan sa buong Kamaynilaan.
Bukod sa ating kapulisan ay magiging katuwang din nila ang Armed Forces of the Philippines ( AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Local Government Unit (LGU, force multipliers at iba pang government agencies para mapanatili ang kaayusan at katahimikan ngayong holiday season.
Sa pahayag ng NCRPO Madaragdagan pa ang naturang bilang hanggang sa pagsalubong naman ng Bagong Taon 2025.
Sa kasalukuyang nakadeploy ang mga kapulisan at madaragdagan pa ito sa pagpasok ng simbang gabi sa December 16, 2024 hanggang January 6, 2025.
Isa sa marching orders umano ng heneral ay ang pagsunod sa prinsipyo ng pagiging AAA police officers—Able, Active, at Allied.
- Able, dahil sila aniya ay laging handa at may sapat nakakayahan upang rumesponde sa anumang insidente.
- Active, dahil ang kanilang presensya sa bawat sulok ng komunidad ay mas pinaigting upang siguruhing ligtas ang publiko.
- Allied, dahil sila ay may malawak na suporta at pakikipagtulungan mula sa iba’t ibang sektor upang patuloy na isulong ang kaayusan at kapayapaan
Related
Discover more from Current PH
Subscribe to get the latest posts sent to your email.