Sa isang panayam, ayaw patulan ni Vice president Sara Duterte ang isyu laban sa kanyang asawang si Atty. Mans Carpio at kanyang kapatid na si Cong. Paolo “Pudong” Duterte sa 6 million drugs smuggling case.
Political harassment daw ayon kay Sara.
Sinabi din ni Sara na hahayaan niyang magsalita ukol dito ang kanyang asawa at ang kanyang kapatid.
Maugong ang balitang matagal nang hiwalay sina Sara at Mans, kaya naman ganyan ang posisyon ng bise presidente. Hanggat hindi ito inaaamin ng mag-asawang Carpio, mananatili itong isang malisyosong tsismis na minsan nang kumalat sa social media. Sa ganang amin dito sa Currentph–ito ay isang malisyoso at pagtatangkang marubhan ang pangalan ng bise presidente.
Makalipas nito, kapwa pinabulaanan nina Pulong at Carpio ang akusasyon at nagsabi pang walang ebidensya at kredibilidad si dating Customs intelligence officer Jimmy Guban. Palasak diumano ang reputasyon nitong si Guban na nagsisinungaling at pabago-pago ng testimonya.
Ang tanong– papaano kung may lumutang na vital witnesses laban sa dalawa na hindi nila napatahimik noong administrasyon ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte?
Ayon sa pananaliksik, mayroong mga “alas”diumano ang pamahalaan laban kay Pulong at ang mahigpit nitong kaugnayan sa dating People’s Liberation Army (PLA) colonel Michael Yang, na umupo bilang Presidential adviser on Economic Affairs noong kapanahunan ni Pangulong Duterte.
Ang mga alas na ito ay siya diumanong nafaka-alam sa naganap na iligal na operasyon ng pagpapalusot ng Asian Bamboo triad kasapakat ang Mexican drug syndicate na Sinaloa. Ang nasabing shipment ay idinaan lamang sa Pilipinas at ang intended destination nito ay mainland America at ang ilan, sa ibang Southeast Asian countries.
Ginagamit lamang diumanong transshipment point ang Pilipinas. May nagbigay impormasyon sa Philippine intelligence authorities ang ilang mga nadakip na myembro ng Triad na nagpatotoo sa diumano’y koneksyon nila sa mga Pilipinong sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
TANONG ULIT–HANDA NA BANG IPAKITA NI PAULO DUTERTE ANG KANYANG SINASABING MGA TATTOO NA NAGPAPATUNAY NA SIYA AY ISANG MYEMBRO NG ASIAN BAMBOO TRIAD? NAUDLOT KASI ITO NOONG PANAHON NA MAY SENATE HEARING HINGGIL SA ISYU NG 6.6 BILYONG PISONG SHABU SMUGGLING.
SA PINAKABAGONG ULAT NA NASAGAP NG CURRENTPH HINGGIL SA ISYUNG ITO, HINIHINALANG MAY NABUONG HIDWAAN SA PAGITAN NG ASIAN BAMBOO TRIAD AT SINALOA. HINALA NG SINALOA, ANG TRIAD AY NAGSUMBONG SA PAGKAKAROONAN NG ANAK NI EL CHAPO NA SIYA NITONG IKINADAKIP NG MGA U.S. AUTHORITIES.
PANAHON NA MGA KATOTOO NA MALAMAN NG SAMBAYANANG PILIPINO KUNG SINO-SINO ANG MGA NASASA LIKOD AT HARAP NITONG KWENTONG ITO.