Imbestigasyon ng Senado ukol sa new Senate Building Dahil sa Kawalan ng

Imbestigasyon ng Senado ukol sa new Senate Building Dahil sa Kawalan ng
Spread the love


Ni: Nino Aclan

Advertisements

INAMIN ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang kawalan ng kooperasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagtulak sa senado para magsagawa ng imbestigasyon ukol sa tila biglang paglobo ng budget ng New Senate Building (NSB).

Ayon kay Escudero matapos nilang makapag-usap ni SenadorAlan Peter Cayetano na Chairman ng Sernate Committee on Account ukol sa kawalan ng kooperasyon ng DPWH sa isinagawang review ng Senado sa NSB dahilan para umaksyon ang Chairman ng komite.

Advertisements

“Naging mas cooperative sila (DPWH) pagkatapos ng hearing  at sana ay magpatuloy iyon,” ani Escudero.

Advertisements
Advertisements

Umaasa naman si Escudero na  hindi na sana muling mangyarai pa ang naganap sa unang pagdinig na kung saan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Cayetano at Senadora Nancy Binay.

Advertisements

Tiwala si Escudero na magiging kalma sa bawat isa dahil simple lamang naman ang nais at pakay ng senado at ito ay ang alamin at tiyakin ang gastusin ay maayos, tama at magnanap ng paraan paano ito mapababa.

Naniniwala naman si Escudero na ang pagiging beterano ng dalawang senador ay hindi na dahilan para mamagitan pa ito lalo na’t alam ng mga ito ang nararapat at hanggang kayang iwasan ay iwasan.

Sa naturang pagtatalo at palitan ng mga salita nina Cayetano at Binay ay nauwi ito sa paghahain ng kaso sa Senate Committee on  Ethics ni Binay na tiwala naman si Cayetano na ito ay mababalewala.

Advertisements

Ngunit tiniyak ni Escudero na tulad ng ibang reklamo ay dadaan sa tamang proseso ang reklamo ni Binay at nasa kamay ng chairman ng komite na si Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang pag-oorganisa nito at kung kailan niya itatakda ang anumang pagdinig.

Nasa kamay na din ni Tolentino kung paano niya maayos o mapagkaksundo ang dalawang senador.

Binigyang-linaw din ni Cayetano na walang usapin ng korupsyon ang pakay ng imbestigasyon kung kaya’t isa-isa nga niya itong hinihimay at hindi naman siya Blue Ribbon Committee.

Hindi naman naitago ni Cayetano ang posiblidad na ipatawag ang kontratista ng NSB upang magbigay ng Liwanag sa ilang mga katanungan.

Subalit sinabi ni Cayetano sa pagpapatuloy ng pagdinig ng kanyang Komite sa Miyerkoles ay nakatuon lamang sa pagpaaliwanag ng DPWH.

Iginiit din ni Cayetano na welcome si Binay na dumalo sa pagdinig at handa siyang bigyan ito ngt oras na makapagsalita at magtanong .





Source link

Advertisements

Please Login to Comment.

Verified by MonsterInsights