May ganap ba sa July 10?

May ganap ba sa July 10
Spread the love


Anong ganap sa July 10 sa Pilipinas? Kudeta, Pagbitiw sa pwesto bilang bise president o opisyal na pagtalaga kay Sara Duterte bilang Pangunahing Boses ng Oposisyon laban kay Marcos Junior?

Advertisements

Kumakalat ang isang tsismis na may malaking magaganap sa ating bansa sa Hulyo a-dies. Ang tanong ng karamihan—anong ganap?

May kahalagahan ba sa ating kasaysayan ang Hulyo a-dies? Noong 1934, sa gayong araw, Hulyo 10, nagkaroon ng botohan para sa mga delegado ng Constitutional Commission na nagpanday ng ating 1935 Constitution.

Tatlong araw bago ang Hulyo a-dies, 1892, itinatag ng mga myembro ng paksyong Taliba ng Grand Mason sa pamumuno nina Andres Bonifacio at Deodato Arellano ang Katipunan sa isang bahay sa Tondo Maynila.

Advertisements
Advertisements

Hulyo a-dies naman noong 1957, itinayo naman ng Philippine Army ang kanyang headquarters sa ilalim ni Brigadier General Leoncio Tan. Noong 2019, sa petsang ito ipinangako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang pagsusumikapang paunlarin o gawing moderno ang sandatahang lakas ng Pilipinas at ang pambansang kapulisan see link: https://www.pna.gov.ph/articles/1074570.

Advertisements

Habang nangako na pauunlarin ang military, isang taon pagkatapos ng “ngako”, ipinako naman ni Duterte ang demokrasya sa ating bansa nang pagtulung-tulungang maisara ang ABS-CBN Channel 2.see link: https://www.aljazeera.com/news/2020/7/10/dutertes-congress-allies-back-order-to-shut-philippines-abs-cbn.

Kung pagbabatayan lamang ang mga mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan sa petsang ito, tila walang makitang espesyal na pagkakaugnay sa ating bansa.

Papatak sa Miyerkoles ang Hulyo a-dies sa taong ito, 2024. Isang cursory checking ng petsang ito sa Wikipedia, mapupunang sa petsang ito naganap ang mga mahahalagang pagpapalit ng liderato sa mga pamahalaan ng iba’t-ibang mga bansa sa iba’t-ibang mga panahon see link: https://en.wikipedia.org/wiki/July_10.

Tanong—may pagtatangka kayang magaganap sa petsang ito na magiging daan tungo sa pagbabago ng liderato ng ating pamahalaan? Yan ang sapantaha ng iba, lalo’t higit ng ating mga kapanalig sa pamamahayag.

May mga malisyosong kumakalat na haka-haka na maaaring may gumalaw daw kuno sa hanay ng mga taga suporta ng dating pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito raw ay reaksyon sa ginawang pagbitiw sa gabinete ni Bise president Sara Duterte.

Sa totoo, pinabulaanan na ito ng dating pangulo. Walang balak agawin ng pangkating Duterte ang kapangyarihan mula sa pangkating Marcos sa pamamagitan ng kudeta o destabilisasyon. Nagpapahayag lamang umano sila ng kanilang saloobin sa mga usaping nakaka-apekto na sa buhay ng taumbayan.

At sa ganang akin, masyading malaki hindi lamang ng political kundi personal risks para sa pamilyang Duterte kung susuportahan nila ang isang extra constitutional move tulad ng kudeta. Batid nating, suportado ng buong sandatahang lakas ng pilipinas ang Pangulo. Nagkakaisa rin ang mga myembro ng civil society na makakasama sa ating bansa ang isang hakbanging military upang resolbahin lamang ang gusot pulitika ng mga pulitikong sa totoo lamang, ay pare-pareho naman ng anyo at balat.

Posibleng sa araw na ito, ipahayag ng pormal ng pangkating Duterte ang kanilang pagiging oposisyon sa pamumuno ni Bise president Sara Duterte. At malaki rin siguro ang posibilidad na sa gayun ding petsa, ipahayag ni Sara ang kanyang naising bitawan ang posisyon ng bise president upang makatakbong muli sa isang lokal na posisyon sa 2025.

Umuugong ang mga balitang ayaw na ni Baste Duterte ang tumakbo bilang mayor ng Davao city at maaaring si dating pangulong Duterte o kaya si Sara ang humalili sa kanya. Makakabuti ba para kay Sara ang gayong hakbang?

Advertisements
Advertisements

Posible dahil gagaan ang pakiramdam at damdamin ng taumbayan sa kanya kung didistansya siya sa mga Marcoses. Posible ring maging daan ito ng kumpletong rehabilitasyon at konsolidasyon ng mga puwersa ni Duterte at ma secure ang Davao sa ilalim pa rin ng kanilang kapangyarihan. May mga ugong na maaaring magtangka laban sa mga Duterte ang pamilyang Nograles na una nang bumuwag sa pamilyang Duterte ilang taon o dekada na ang nakaraan.

Animo’y kaululan para sa isang pulitiko na bitawan ang pagka bise president kapalit ng panunumbalik sa isang lokal na pusisyon  Ngunit, kung ito naman ang magiging daan upang tumaas muli at masigurado ang pagkamit ng panguluhan para kay Sara sa 2028, mas magandang istratehiyang pulitikal ito para sa mga Duterte. Alalahaning nakataya sa desisyon ni Sara ang pulitikal at personal na kapalaran at kinabukasan ng pangkating Duterte na sa totoo, ay nasasa bingit ng kamatayang pulitikal bunsod ng kanilang mga maling hakbang nitong nakaraang tatlong taon.

Manatiling mapagbantay. Manatiling may mataas na antas ng kahandaan.

Sa totoo, ang mga ganitong hakbangin ay walang sapat at magandang maidudulot ito sa ating lahat. Sa totoo, makakaapekto pa nga ito sa ating mga pamumuhay. Mabuway ngayon ang buhay ng pamilyang Pilipino na magpa hanggang ngayon, ay alpine o biktima ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kawalang pag-asa at kawalan ng mga oportunidad para maging maunlad ang pamumuhay.

Isipin sana ng ilang ulit ng ating mga pulitiko na ang mga hakbangin nilang gagawin sa mga susunod na panahon ay may epekto sa ating lahat, hindi lamang ng kani-kanilang mga sarili.

May banta ang Tsina sa atin at ito ay gawin tayong tuta. Natanto na ng Tsina ang istratehikong kahalagahan ng Pilipinas sa kanyang sariling depensa at hindi titigil ang mga ito na ipanatiling watak-watak at may kawalan ng kaayusan sa ating bansa.

Manatili tayong mapagmasid. At kung handa, maghandang tunay para depensahan ang mahalaga sa ating lahat–ang demokrasya.

Mahaba pa ang panahon at may oras pa para sa mga Pilipinong naghahangad na makabalik o makupo ang kapangyarihan.





Source link

Advertisements

Please Login to Comment.

Verified by MonsterInsights