Pinasalamatan ni Vice Pres. Sara Duterte si Pres. Bongbong Marcos dahil sa patuloy nitong pagtitiwala sa kaniya bilang kalihim ng Department of Education #DepEd.
Kasabay nito’y nagpasalamat din ang bise sa paggalang ng Pangulo sa kaniyang mga paninindigan tulad ng kaniyang pagtutol sa isinusulong na People’s Initiative.
“Ang paggalang ay isang natatanging asal na ipinakita ng Pangulo sa ating lahat, kung kaya’t galangin din sana natin ang opinyon at paniniwala ng ibang tao, kasama na ang ating mga kamag-anak,” ani Duterte.
Sinabi ito ng bise kasunod ng mga pahayag ng kaniyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte at kapatid na si Davao City Mayor Baste Duterte laban sa Pangulo. #News5
![](https://xpresschronicle.com/wp-content/uploads/2024/01/WONDER-SPRAY-ADS2.png)
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph
source