![4 K na mga pulis idineploy sa CL para sa Undas](https://xpresschronicle.com/wp-content/uploads/2024/11/4-K-na-mga-pulis-idineploy-sa-CL-para-sa.jpeg)
Umaabot sa 4,000 PNP personnel ang idineploy sa Central Luzon sa ibat’ ibang sementeryo, malls at bus terminals.
Ito’y upang matiyak ni Brig. Gen. Redrico Maranan, Police Regional Office-3 (PRO3) director ang kaligtasan ng mga kababayan natin na magsisitungo sa mga sementeryo sa Gitnang Luzon.
Nagdeploy din ng mga pulis si Maranan sa mga malls at bus terminals upang sa seguridad sa mga dadagsa mga kababayan natin nitong Undas.
Sang-ayon kay Maranan kanyang inatasan ang mga Police Provincial at City police directors sa rehiyon na magpakalat ng mga pulis sa bawat sementeryo kanilang area of jurisdiction.
Inatasan din nito (Maranan) ang mga police officer na makipag-koordinasyon sa mga force multipliers at emergency response units upang maging matiyak maging ang maayos ang seguridad sa mga sementeryo.
Kasabay nito, inatasan din nito ang mga PNP personnel na mag-ispeksyon sa mga bus terminals.
Nagsimula idineploy ang mga PNP personnel noong Oktobre 29 at mananatili ang mga ito hanggang Nobiyembre 4.
Noong Oktobre 31, personal na naglibot sai Brig. Gen. Maranan sa mga public cemeteries at bus terminals sa rehiyon. Una nitong inispeksyon ang lalawigan ng Bulacan at Pampanga.
Pakay ng kanyang paglilibot ay upang tignan ang ginagawang paghahanda ng idineploy na mga pulis sa inaasahang pagdagsa ng mga kababayan natin na bibisita sa kanilang yumaong mahal sa buhay.
Sang-ayon kay Maranan nagtalaga din ito ng police assistance desks sa mga pampublikong sementeryo at memorial parks sa tulong ng Local Government Units, civilian volunteer organizations at civic clubs.
Mahigpit din bilininan ni BG Maranan ang mga pulis na pananitilihin ang kaayusan at seguridad ngayon Undas.
********
Grabeng trapik sa City of San Fernando wala na bang solusyon dito? Nagtatanong lang po.Sana magawa ng agarang solusyon ni City Mayor Vilma Caluag ang grabeng trapik sa lungsod.